Tatak Caviteño : Matapang at Palaban

Article contributed by Dyan Kristine Real

Matapang. Kinatatakunan. Walang inuurungan. Ganyan kung ilarawan ang mga Caviteño.

Likas na kilala ang mga mamamayan ng Cavite o mga Caviteño bilang mga taong matapang at walang inuurungang laban. Maging noong unang panahon pa man makikita na ang tinatanging tapang ng mga taga-Cavite.

Sa kasaysayan, kilala ang Cavite dahil sa mga himagsikan naganap dito at sa katapangang ipinamalas ng mga mamamayan nito upang ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga dayuhan. Isa na rito ay ang tinaguriang kauna-unahang presidente ng bansa na si Heneral Emilio Aguinaldo na isa rin sa magiting na namuno sa digmaan laban sa mga kastila.

Ang pagkakakilalang ito sa Cavite ay lalo pang sumikat dahil na rin sa mga tubong Kabiteng mga aktor tulad nina dating senador Ramon Revilla Sr. at ang anak nito na si senador Ramon Bong Revilla Jr. na kilala sa larangan ng pelikulang aksyon. Si Marian Rivera na kilala rin sa pagiging palaban sa kabila ng mga intrigang kinasangkutan nito. Andyan rin ang pulitikong Caviteño na kilala rin sa pagiging matapang sa paglaban sa kanyang paninindigan tulad ni Senador Panfilo Lacson.

Patunay lamang ito na tunay ngang likas ang katapangan ng mga Caviteño na maaring namana mula sa mga ninuno. Maging lalaki man o babae, kapwa walang inuurungang laban, yan ang tatak Caviteño.

No comments yet.

Leave a Reply